Add parallel Print Page Options

Mga Babala Laban sa Diyus-diyosan

10 Mga(A) kapatid, nais kong malaman ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno noong panahon ni Moises. Silang lahat ay naliliman ng ulap sa kanilang paglalakbay at sa pagtawid sa Dagat na Pula. Sa gayon, nabautismuhan silang lahat[a] sa ulap at sa dagat bilang mga tagasunod ni Moises.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Corinto 10:2 nabautismuhan silang lahat: Sa ibang manuskrito'y binautismuhan nila ang kanilang mga sarili .

Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan

10 Mga (A) kapatid, nais kong malaman ninyo na ang ating mga ninuno ay napasailalim ng ulap, at silang lahat ay tumawid sa dagat, at lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat.

Read full chapter

29 Dahil(A) sa pananampalataya, nakatawid ang mga Israelita sa Dagat na Pula na parang lumalakad sa tuyong lupa, samantalang nalunod naman ang mga Egipcio nang ang mga ito'y tumawid.

Read full chapter

29 Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, tinahak ng mga Israelita ang Dagat na Pula na parang lumalakad sila sa tuyong lupa, ngunit nang tangkain ng mga Ehipcio na gawin ito ay nalunod ang mga ito.

Read full chapter