Mga Gawa 20:4
Ang Biblia, 2001
4 Siya'y sinamahan ni Sopatro na taga-Berea, na anak ni Pirro; ng mga taga-Tesalonica na sina Aristarco at Segundo, ni Gayo na taga-Derbe, at ni Timoteo, at ng taga-Asia na sina Tiquico at Trofimo.
Read full chapter
Efeso 6:21-22
Ang Biblia, 2001
Pangwakas na Pagbati
21 At(A) (B) upang malaman din ninyo ang mga bagay tungkol sa akin at ang aking kalagayan, si Tiquico ang siyang magsasalaysay sa inyo ng lahat ng mga bagay. Siya na aking minamahal na kapatid at tapat na lingkod sa Panginoon.
22 Isinusugo ko siya sa inyo para sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin, at upang kanyang pasiglahin ang inyong mga puso.
Read full chapter
Colosas 4:7-8
Ang Biblia, 2001
Mga Pagbati at Basbas
7 Ang(A) lahat na mga bagay tungkol sa akin ay ipababatid sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kapwa alipin sa Panginoon.
8 Siya(B) ang aking sinugo sa inyo ukol sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kanyang pasiglahin ang inyong mga puso;
Read full chapter
2 Timoteo 4:12
Ang Biblia, 2001
12 Samantala,(A) si Tiquico ay sinugo ko sa Efeso.
Read full chapter