Mateo 26:26-29
Ang Biblia (1978)
26 (A)At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.
27 At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;
28 Sapagka't (B)ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos (C)dahil sa marami, (D)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
29 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (E)na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo (F)sa kaharian ng aking Ama.
Read full chapter
Lucas 22:19-20
Ang Biblia (1978)
19 At siya'y dumampot ng tinapay, (A)at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
20 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.
Read full chapter
1 Corinto 11:23
Ang Biblia (1978)
23 Sapagka't (A)tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na (B)ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
Read full chapter
1 Corinto 11:25
Ang Biblia (1978)
25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978