Genesis 37:25
Ang Biblia (1978)
Ipinagbili si Jose sa Egipto.
25 At nagsiupo upang kumain ng tinapay, at kanilang itiningin ang kanilang mga mata at tumingin sila, at, narito, ang isang pulutong na mga (A)Ismaelita na nagsisipanggaling sa Gilead sangpu ng kanilang mga kamelyo at may dalang mga (B)pabango, at mga (C)balsamo, at mga mirra, na kanilang dadalhin sa Egipto.
Read full chapter
Genesis 37:28
Ang Biblia (1978)
28 At nagsisipagdaan ang mga mangangalakal na mga (A)Midianita; at kanilang isinampa si Jose sa balon, (B)at ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita ng (C)dalawang pung putol na pilak. At dinala si Jose sa Egipto.
Read full chapter
Genesis 37:36
Ang Biblia (1978)
36 At ipinagbili siya ng mga Midianita sa Egipto kay Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay.
Read full chapter
Genesis 39:1
Ang Biblia (1978)
Si Jose ay naging Tagapamahala ni Potiphar.
39 At ibinaba si Jose sa Egipto; at binili siya ni (A)Potiphar, puno ni Faraon, na kapitan ng bantay, na lalaking taga Egipto, (B)sa kamay ng mga Ismaelita na nagdala sa kaniya roon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978