2 Mga Hari 20:17
Ang Biblia (1978)
17 (A)Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, na ang lahat na nangasa iyong bahay, at ang itinago ng iyong mga magulang hanggang sa araw na ito, ay dadalhin sa Babilonia: walang maiiwan, sabi ng Panginoon.
Read full chapter
2 Mga Hari 21:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin ang ganiyang kasamaan sa Jerusalem at sa Juda, na sinomang makabalita ay (A)magpapanting ang dalawang tainga.
13 At aking paaabutin sa Jerusalem ang (B)pising panukat ng Samaria, at ang pabato ng bahay ni Achab: at aking lilinisin ang Jerusalem gaya ng paglilinis ng isang tao ng isang pinggan, na nililinis at itinataob.
14 At aking ihihiwalay ang nalabi sa aking mana, at aking ibibigay sa kamay ng kanilang mga kaaway: at sila'y magiging bihag at samsam sa lahat nilang kaaway.
Read full chapter
2 Mga Hari 23:27
Ang Biblia (1978)
27 At sinabi ng Panginoon, Akin ding aalisin ang Juda sa aking paningin, (A)gaya ng aking pagaalis sa Israel, at aking itatakuwil ang bayang ito na aking pinili, sa makatuwid baga'y ang Jerusalem, at ang bahay na aking pinagsabihan. Ang pangalan ko'y doroon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978