2 Cronica 20:15
Ang Biblia (1978)
15 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; (A)sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios.
Read full chapter
2 Cronica 20:17
Ang Biblia (1978)
17 Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, (A)magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: (B)huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka't ang Panginoon ay sumasa inyo.
Read full chapter
Isaias 41:10
Ang Biblia (1978)
10 Huwag kang matakot, (A)sapagka't ako'y (B)sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
Read full chapter
Isaias 41:13-14
Ang Biblia (1978)
13 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, (A)Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.
14 (B)Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang (C)iyong Manunubos ay ang (D)Banal ng Israel.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978